Community Profile
Join
Watch
Add Note
Post
Track
Send V-Gift
Pinoy Writers On LJ
Created on 2005-09-29 23:41:52 (#8419914), last updated 2009-04-08
157 comments received
Basic Account [Gift]
102 Journal Entries, 28 Tags, 58 Memories, 0 Virtual Gifts, 1 Userpic
| Location: | Manila, Philippines |
|---|---|
| Website: | Pinoy Writers On LJ |
| Membership: | Open |
| Posting Access: | All Members |
Pinoy Writers Online Ang komunidad na ito ay para sa mga manunulat na Pilipino. Ang sinumang manunulat o mahilig magsulat na naligaw dito at naiintindihan ang mga salitang ito ay hinihikayat na sumali at makibahagi sa pagpapayabong at pagpapa-unlad ng panitikang Pinoy. |
Layunin Ang komunidad na ito ay binuo na may layong pagbuklurin ang mga manunulat na Pilipino upang magbahagi at magpalitan ng kani-kanilang mga kaalaman, payo at kuro-kuro hinggil sa anumang paksang may kinalaman sa pagsusulat at sa panitikang Pilipino. Layunin din nito ang hikayatin ang bawat miyembro na magbahagi ng kanilang mga orihinal na malikhaing akda o ang magbigay ng komento sa mga akda ng kapwa nila manunulat. Sa ganitong paraan ay matutulungan natin ang bawat isang mapaunlad at lalo pang mapabuti ang ating sining. |
Mga Alituntunin 1.TANDAAN: Maging mabait at magalang sa ibang miyembro sa lahat ng oras at pagkakataon. Ang sinumang sumuway dito ay maaring mapatalsik at hindi na kailanman papayagan pang sumali. 2. Mga orihinal na akda lamang ang maaaring ibahagi at hindi iyong mga fanfiction o mga akdang base sa mga palabas o babasahin. 3. Mangyari lamang na i-post ang anumang orihinal na akda na may sekyuridad na “Friends” upang sa ganon ay ang mga kapwa miyembro lamang ang makakabasa nito. Ito ay para maiwasan nating ma-plagiarize ang inyong mga obra. 4. Mapa-tagalog o english man yang obra mo ay pwedeng-pwede mong i-post dito. Nakakakilig, nakakatakot, nakakatuwa, nakakatawa nakaka-ano-pa-man, basta orihinal mong sulat, i-post mo lang, walang pipigil sayo. Sundan lamang ang format na ito: Sa Tagalog Uri ng Akda: (tula/salaysay/sanaysay/atbp) Kabanata: 1/? (1/1 para sa kwentong isa lang ang kabanata) Pamagat: Manunulat: Genre: Buod (kung meron): Mga paalala/babala (kung meron): In English Type: (poem/fiction/essay/etc) Chapter: 1/? (1/1 for oneshot) Title: Author: Genre: Summary (if any): Notes/warnings (if any): 5. Ang katawan ng inyong akda ay ilagay sa ilalim ng “lj-cut” (paano ito?) 6. Ilagay ang [uri ng akda] at [pamagat] bilang Subject ng inyong post. (halimbawa: [Salaysay] [Sampung Beinte-sinko]) 7. Iwasan ang pag-po-post ng mga bagay na walang kinalaman sa layunin ng komunidad na ito. 8. Kung may iba pa kayong site/blog na gusto ninyong i-advertise (siguraduhin lang na inyo talaga iyan ^-^) punta lang kayo dito. 9. Sikaping makapagbahagi ng akda o ng komento sa akda ng iba tuwing may pagkakataon ka. 10. Kung may iba pang katanungan, pumunta lamang dito at magtanong |
Hinggil Sa Pagpapakilala Kung bagong miyembro ka ng grupong ito, ipakilala mo ang sarili mo sa anumang paraan na nais mo. Ang tunay mong pangalan, ang pen name na gamit mo o ang kung ano pa mang pangalan ang gusto mong itawag ng ibang miyembro sa iyo. Kung anong lenggwahe ka mas komportableng magsulat, anong genre ang paborito mong isulat... basta, ikaw na ang bahalang dumiskarte. ^_^ Bilang Subject ng iyong post, ilagay mo ito: Pagpapakilala: [ang iyong pangalan/pen name]. |
Hinggil Sa Mga Hamon Tuwing unang araw ng buwan ay may isang salita at isang larawan na i-po-post sa komunidad na ito para hamunin ang mga manunulat na labanan ang matagal na panahong pagkakasadlak sa writer’s block o upang magsilbing inspirasyon para sa iba pang manunulat na makagawa ng bagong obrang base sa nasabing hamon. Sundan lamang ang pag-po-post ng mga akda na nasasaad sa Mga Alituntunin. Sa Subject ay ilagay ang: Hamon/Challenge[bilang ng hamon/Challenge at kung yung salita o larawan ang ginamit mo], [uri ng akda] at ang [pamagat ng iyong akda]. (halimbawa: [Hamon #01 / Larawan] [Tula] [Estranghero]) (Mayo 1-Mayo 31, 2005) Maaaring gamitin ang salitang ito sa anumang malikhaing paraang maiisip mo(tagalog/english) o anumang kahulugan nito ang unang pumasok sa isip mo. Mapa-literal man o patalinghaga. Tula, salaysay, sanaysay o anupaman. ![]() Pindutin ang larawan para makita ang mas malaking imahe. Para sa iba pang kuhang larawan ni Maaari ring gamitin ang larawang ito sa anumang malikhaing paraang maiisip mo. Pagsamahin ang larawan at salita sa pagbuo ng isang akda, o bumuo ng magkaibang akda base sa dalawa. Walang limitasyon sa bilang ng akdang maaaring i-post ng isang miyembro. Kung mangyaring may ideyang pumasok sa isip mo nang makita mo ang salita/larawan ngunit wala naman itong direktang kinalaman sa salita/larawan, ituloy mo lang ang pagsulat at ibahagi iyan dito. Nakasalalay naman ang lahat sa takbo ng iyong imahinasyon, di ba? Anything goes, ika nga. |
Noypi: Where Filipino bloggers unite Ang komunidad na ito ay naglalayong pagsama-samahin ang mga blogistang pinoy sa livejournal sa iisang lugar upang makapagbahaginan ng kani-kanilang mga saloobin at kuro-kuro ukol sa mga isyung pansarili man o pangbuong bansa. `` This is the online reader of UP Quill, the University of the Philippine's premiere literary organization. It features literary essays, theories and works from various poets, fictionists and theorists in order to help aspiring writers (like us) broaden their knowledge of literature and ultimately, inspire them to write |
New Look! Ang bagong bihis ng ating komunidad ay hatid sa atin ng it's all in the purr Sassy, creative, original designs for your journal. |
Interests (15):
b1 gang, filipino, libro, literaturang pilipino, mabuhay, maraming maraming libro, pagsusulat, panitikan, philippines, pilipinas, pilipino, pinoy, precious hearts romance, precious pages corporation, tagalog
Administrators
Members [View Entries]
02aira15, _dens, adamalterego, aileron, ajjhost1, akane_candy, alamid, anberry_16, angel_love_song, aniken, aninosadilim, annadiel, aryanforsale, autumnsoliloquy, baruchan, bloodhyacinth, blue_enchanted, bookerph, butterballer, chester_page, chocolatepuzzle, crazydanes, critikke, dingdong96, emotistikal, haldis, herhayness, hopelist, idesbando, isang_bulaklak, ispucian, jurkk312, kamotejuice, kfinewhatev, khulit_sappho, kikayfirefly, korkycheeseball, lady_shikamaru, loaferjr2, lola_mo, lomendehe, michenzi, mickey_blu_eyes, midnight_lover, moppet17, namidah, needtoscream, nikkiganda, nodaphsyx, peligr0, poison_yuri, rainandstars, reklamador_ako, renchantan, riajose, sachi_d_fanatik, sidetripmag, soulsauce, spicepromo, stonefox_, supercarla, tagabalon, upquill, weirdzz, zacchhyy
02aira15, _dens, adamalterego, aileron, alamid, anberry_16, angel_love_song, aniken, aninosadilim, annadiel, aryanforsale, autumnsoliloquy, baruchan, bloodhyacinth, blue_enchanted, bookerph, butterballer, chester_page, crazydanes, critikke, dingdong96, emotistikal, geolette, gossip_gay, haldis, herhayness, hopelist, idesbando, isang_bulaklak, ispucian, jurkk312, kamotejuice, khulit_sappho, kikayfirefly, korkycheeseball, ladeprimee, lady_shikamaru, loaferjr2, lola_mo, michenzi, mickey_blu_eyes, midnight_lover, moppet17, namidah, needtoscream, nikkiganda, nodaphsyx, peligr0, poison_yuri, rainandstars, reklamador_ako, renchantan, riajose, sachi_d_fanatik, shalei, sidetripmag, sightseeer, soulsauce, spicepromo, stonefox_, supercarla, tagabalon, toxicspice56, upquill, weirdzz, zacchhyy
