| Aissa ( @ 2005-06-29 13:35:00 |
Susan Roces Press Conference
Maraming salamat po sa pagdalo ninyo ngayong tanghali. Napakahalaga po para sa akin na kayo ay naririto.
April 14 nuong huli tayong magtipon-tipon dito. Nuon ay inilahad ko sa inyo ang lahat ng nasa aking damdamin sa pagkaka-basura ng Presidential Electoral Tribunal sa kahilingan ko na sana ay maipag-patuloy ko ang protesta ni FPJ.
Ang tanging layunin ko nuon ay malaman ang tunay na nangyari, at kung papano trinato ang mga boto nating lahat.
Hindi lang po para sa akin; hindi lang po para sa aking pamilya; kundi, para sa ating lahat na lumahok at bumoto sa araw ng halalan upang piliin natin kung sino ang ibig nating mamuno sa atin.
Mayroon po tayong kanya-kanyang pinili. Ito po ay ginawa ko, hindi lamang para sa mga bumoto kay FPJ, kung hindi para din sa kani-kanilang ibinotong kandidato.
Kaya lang hindi tayo pinagbigyan. Nalungkot po ako nuon sapagkat kailan po natin malalaman ang katotohanan?
Lumipas po ang panahon, nanahimik po ako na tulad ng sabi ng mga nakaka-alam sa batas. It was legal, but not moral.
Life must go on. Sinikap ko na gawin ang araw-araw na dapat kong gawin, tulad ng dapat gawin ng isang mamamayan. Sinunod ko lahat ang mga batas. Sinunod ko kahit laban sa loob ko – kahit nakikita ko na na in-spite of our economic state, our financial crisis, personal and business crisis, pinilit tayo whether we like it or not, na dagdagan an gating VAT. Ganun pa man, sabi ko kung lahat kayo ay nakakatiis, bakit hindi siya bigyan ng pagkakataon?
Ngunit ano ang isinukli n’ya? Arogante s’ya. Arogante! (Applause.)
Hindi n’ya isinaalang-alang ang damdamin ng nakararami! Manhid! (Applause.)
June 6. Tulad ninyong lahat nagulat na lamang ako. D’un pa mandin sa Malacañang inilabas ang dalawang discs. Hindi ko hinanap ‘yun. Hindi oposisyon ang nakahanap n’un. Kung hindi, marahil ay naibigay sa akin n’ung kasalukuyang ipinaglalaban ko ang protesta ni FPJ.
Dininig ng langit ang aking mga dalangin, kasama ng lahat ng mga sumusuporta kay FPJ. (Applause.)
Langit ang humusga na may karapatan tayong malaman ang katotohanan. (Applause.)
Para sa ating mga Filipino, mahalaga ang karapatan nating piliin ang ibig nating mamuno sa atin! (Applause.)
Sagrado! Sagrado ang ating mga boto, sapagkat ‘yan ay karapatang ipinamana sa atin n gating mga ninuno! (Applause.)
Pinagbuwisan nila ng buhay! Ipinakipag-laban nila ang ating mga karapatan! At nanindigan sila para makamit natin ang ating kalayaan! (Applause.)
Tuwing araw lamang ng halalan na tunay na lahat tayo ay pantay-pantay – mayaman man o mahirap, tigi-tig-isa lang tayo ng boto kaya ‘yun ay sagrado! (Applause.)
Nakalulungkot at nakagagalit ang kasalukuyang pangyayari. Nuon ang sumusupil sa ating mga karapatan, at nanglalamang sa atin ay ang mga dayuhang sumakop sa ating bayan! Ngunit sa kasalukuyan ang nanglalamang at kumikitil n gating mga karapatan ay sarili nating kalahahi at ka-dugo! (Applause.)
Nahpahayag si Mrs. Arroyo n’ung Lunes ng gabi; labis akong nalungkot sa aking nakita at narinig. Napaisip ako. Nadagdagan ang mga katanungan sa aking diwa.
“Sorry” daw at kinausap niya ang isang COMELEC official. Kasalukuyan pang nagbibilangan nuon. Alam n’ya ‘yun. Alam n’yang bawal ‘yun. Alam ng lahat ng mga kandidato na bawal ‘yun. Pero ginawa n’ya. Nilabag n’ya ang batas! At ‘yun ay inilihim n’ya! At kung hindi pa lumabas ang tape, kailan man ay hindi natin malalaman.
Kay tagal din n’yang nanahimik! Kay tagal din n’yang pinag isipan: aaminin ba n’ya o hindi na boses n’ya ang boses ng babaeng nasa tape. Bakit?! Bakit napakatagal n’yang naghintay? Dahil, may higit s’yang mabigat na pagkakasala na ibig n’yang ilihim, at ibig pa tayong muling isahan. ‘Yun ang pinag-uusapan nila at ayaw, at bawal ito na ating marinig: ang pandaraya! (Applause.)
Mrs. Arroyo, habang pinagmamasdan kita sa iyung paghingi ng paumanhin sa amin, sa taong bayan, kitang-kita ko sa iyong mga mata hindi nanggagaling sa iyung puso ang iyung paghihingi ng “sorry!” (Applause.)
Kitang-kita ko sa ‘yung mga mata na ibig mo na naman kaming isahan! (Applause.)
Pinaiikot mo na namang muli ang batas para sa ‘yong personal na interes para ilihim ang katotohanan. May kasabihan tayong mga Pilipino, “Ang Sinungaling ay kapatid ng Magnanakaw!” (Applause.)
Hindi ko matatanggap ang iyong “Sorry!” (Applause.)
Sinira mo ang pagtitiwala ng mga kababayan mo sa ‘yo! (Applause.)
Wala kang karapatan na mamuno! (Applause.)
Remember Mrs. Arroyo, before foreigners, before foreign investors can trust you, you must first earn the trust of your countrymen! (Applause.) Which, unfortunately you have lost! You have embarrassed the Filipinos enough! There is nothing we can find that we can be proud of that you have done for us from your Day 1 to the present. (Applause.)
You are full of empty promises. Obviously you have no love for your country. (Applause.)
The gravest thing that you have done is that you have stolen the presidency, not once but twice!! (Applause.)
Q&A
Susan: … Ang Press Conference na ito ay tungkol sa ipinaglalaban natin sa katotohanan. Ayoko po, ayokong haluan ito ng pulitika. Ayokong haluan ito ng partisan politics.
Q: …What do you think would be the appropriate retribution for Mrs. Arroyo?
Susan: Well, Maricar, for your first Question, it was Secretary Bunye who said that. I believe that is the administration’s problem right now. So, it is not for me to answer. You better ask them. As far as retribution is concerned, again we have to consult people in the legal field. And other than that, it is our countrymen who can best describe her fate. Remember laws were made for the majority. Most especially for the oppressed to protect them, not to abuse them.
Q: Maam, if you want President Arroyo to resign... Who would you endorse to replace her as President of the Philippines?
Susan: I am just like you, an ordinary citizen. Again I will say it is for the majority to decide.
Q: The President has just announced that her husband First Gentleman Mike Arroyo has left the country. Some see it as a way to appease the mounting political situation. What can you say about this?
Susan: That is a personal decision of the couple. As for me, in my marriage, I don’t agree to it.
Q: Kailan po kayo magsasaga ng malaking rally para ibagsak si President Macapagal-Arroyo?
Susan: Huwag n’yo pong lalagyan ng ‘di tamang pananalita ang aking bibig. Alalahanin po ninyo, nagiisa lang ako. Ordinaryong mamamayan, katulad n’yo. Wala akong maipagmamalaki na pwersa. Ngunit kung may mangunguna at kung kailan, handa ako!
Q: (follow up on the FG Arroyo’s self exile) Would you say, Maam, that flight is tantamount to admission of guilt?
Susan: Again, Maricar, I don’t meddle with problems of the couple.
Q: You are calling for the immediate resignation of GMA?
Susan: Yes! (Applause.)She has done enough damage to our country! She has put our country and our countrymen to shame!
Q: Maam sinabi po ni Secretary Bunye na wala daw intension si Secretary Bunye na mag-resign. So, ano po ang maari ninyong susunod na hakbang o sasabighin tungkol dito?
Susan: Iparinig mo ‘yan sa nakararami! Tingnan natin kung ano ang sagot nila! (Applause.) Oo, sasamahan ko sila!
Q: If President Arroyo steps down, according to our constitution the Vice President (will take-over.) Do you agree to this scenario?
Susan: Sa mga nakikita ko na kahit na mali ay kinakampihan, ano ang isasagot mo? (Applause.)
Q: Ano ho ang role ng isang Susan Roces sa kung sakali mang mapalitan na si PGMA?
Susan: Kagaya ngayon ang role ko. Isang simpleng mamamayan. Kasama n’yo.
Q: Kung ang papalit ay isang military Junta, papayag ho ba kayo dito?
Susan: Hindi ako ang makapagsasabi n’yan. Hindi ko ginusto na magkaganito ang ating sitwasyon. Huwag nilang isipin na ang mga taong katulad ko na ibig lamang ipahayag ang kanilang niloloob ang kanyang damdamin. Hindi natin alam kung kailan pa magkakaroon ng pagkakataong ito.
Q: (regarding snap elections)
Susan: Ang mga bagay-bagay na ganyan ay hindi ipinakikipagsapalaran. ‘Yan ay pinag-aaralan. Sa ngayon, marami nang pag-aaral. Iba’t-ibang grupo na ang nag-aaral kung ano ang makabubuti sa ating bayan.
Q: What advice will you give Mrs. Arroyo?
Susan: I don’t give unsolicited advice. (Applause.)
Q: Mamm. Ii-endorse po ba ninyo ‘yung mga panawagan for a snap election?
Susan: Hinde. Dahil s adumi ng nakaraang halalan, sino ang mamamahala ng snap elections?
Q: So maam, sa papaanong paraan ninyo gusting mapalitan ang pamahalaan?
Susan: Again I say there are plans. Different plans that I cannot reveal as of now.
Q: You said na kapag may kilusan ay nakahanda kayong sumama. What if po kung ang hinihiling ng majority eh kayo ang mamuno sa kilusan na iyun?
Susan: Depende sa pagkakataon at sa mga pangyayari.
Q: Are you saying na open po kayo sa mga possibility na ‘yun?
Susan: Malalaman mo na lang? Ang importante ay magkakasama ang lahat ng taumbayan.
Q: Kasama po ba sa plinaplano ang posibleng People Power?
Susan: Hindi ko alam.
Q: ...Naghihikayat na po ba tayo ng mga tao na lumabas sa kalsada?
Susan: Ikaw ang nagsabi n’yan, hindi ako! (Laughters and heckling.) Umpisahan mo tatapusin ko! (Applause.)
Q: Kapag naumpisahan nap o, saan po ba ito patungo?
Susan: Atat na atat ka! Ikaw ang mag-umpisa! (Laughters, heckling.) Bakit? Feel mo? Feel? Feel mo ba?
Q: If President Arroyo refuses to step down, can you categorically state if you will only endorse legal, or also extra legal steps against her?
Susan: I think I have tackled that question earlier. You were not listening. (Laughters and heckling.)
Sandra Aguinaldo (GMA7): Sabi po ni Mrs. Arroyo sakripisyo para sa kanya ang paglisan ng asawa n’ya sa bansa. Sa tingin po ba ninyo sapat na na sakripisyo ito?
Susan: Hindi ko alam ang kasaysayan ng kanilang pagmamahalan. (Laughters and heckling.)
She (ABC5): Maam, meron po ba kayong specific na mensahe sa mga loyalista ni FPJ na hanggang ngayon ay naghihintay kung ano talaga ang dapat nilang gawin?
Susan: … Para pos a kanila, tuloy ang laban.
Q: Handa po ba kayong manguna sa Civil disobedience, katulad ng hindi pagbabayad ng taxes?
Susan: Makakarating po tayo d’yan. Depende po kung gaano kayigas ang ulo ng ating Pangulo.
Q: Handa po ba kayong makausap si Commissioner Garcillano?
Susan: Alam mo ba kung nasaan s’ya? (Laughters and heckling)
Q: Ano pong options and ibinibigay ninyo sa bayan, maam? Matapos ang Edsa 1, Edsa 2, ano pong options ang pwedeng ibigay ninyo sa taong bayan?
Susan: Nasa taong bayan ang pagpapasya. Naranasan nila ang Edsa 1 at Edsa 2, at nagkaroon ng Edsa 3. May nabago ba? So, naging leksiyon yan para sa atin. Kailangang suriin natin sa ating mga isip kung ano ba ang gusto nating klase ng pamumuno.
Theatrics, that's all it was. Nothing but a whole slew of unsubstatiated accusations and speculation. She was forceful and very emotional though, and that's probably enough to sway a lot of (ignorant) people. Never mind the actual content of her speech.
From day one until the present she claims that walang nagawang mabuti kahit isa si GMA. Right. GMA and her team can't solve all the country's problems overnight (or even in one or two terms), but they have made some progress in some areas.
She wants the President to resign. She doesn't want Noli to be President. She doesn't want a snap election because she's lost faith in the electoral process. When asked what she wants to happen, she says "there are plans" but won't elaborate on what those plans are.
When asked if she would lead an EDSA type mass action, she is evasive. "Kung gusto nila magrally, sasamahan ko sila... Umpisahan nyo, tatapusin ko." Basically, she wants the people to rise up in protest, but she doesn't want to take responsibility for it.
She says it's up to the people to decide GMA's fate. Well, it seems to me that they've already decided. They've heard the tapes. Yet they're not doing anything about it. It's an interesting contrast to what happened with Erap, when people marched straight to Edsa after the senate voted not to open the second envelope. This whole Hello Garci thing just doesn't seem to incite the same kind of moral outrage.
Sure, a lot of people are whining, calling for her ouster, but they're not doing anything. Most of the people who are rallying in the streets are the people the opposition paid to be there. (And they're not being paid much, as the opposition seems to be low on funds these days. They used to give a few hundred per rallyist, but now the going rate is a mere 50 pesos.)
If not GMA, then who? Is political upheaval in the best interest of the country?
I'm a pragmatist. I'm not her biggest fan, but I can't think of a better person to take her place and anyway it's too much trouble to replace her. I just want her to work and do her job. If she's guilty of anything, I'd rather leave that for the courts to decide. I am just so tired of all this bickering. It's counter productive.
Full text of Susan Roces' Speech at Club Filipino, 29 June 2005